Karanasan sa Pagkain sa Higalaay Festival sa CDO
Sa bawat taon, ang Higalaay Festival sa Cagayan de Oro ay nagiging dahilan ng masayang pagdiriwang ng kultura, sining, at siyempre, masasarap na pagkain. Kamakailan, nagkaroon ako ng pagkakataon na dumalo sa festival market at talagang hindi ako nakapagpigil na mag siyasat ng iba't ibang lasa at putahe na iniaalok ng mga lokal na tindahan. Pagdating ng aming grupo sa festival market, agad naming napansin ang makukulay na mga booth na nag-aalok ng sari-saring pagkain. Mula sa mga street food hanggang sa mga gourmet na putahe, tila hindi kami mauubusan ng pagpipilian. Una naming sinubukan ang potato swirl, ang piniritong patatas na may orange na coating. Ang bawat kagat ay malambot at malasa, at pagiging chezzyness talagang nagpapasaya sa bawat kagat. Hindi rin namin pinalampas ang lechon, na isa sa mga paborito ng mga tao sa festival. Ang malutong na balat at malambot na laman ay talagang nakakaginhawa sa panlasa. Habang kumakain, napansin namin ang mga tao sa paligid na masaya rin ...