Karanasan sa Pagkain sa Higalaay Festival sa CDO
Sa bawat taon, ang Higalaay Festival sa Cagayan de Oro ay nagiging dahilan ng masayang pagdiriwang ng kultura, sining, at siyempre, masasarap na pagkain. Kamakailan, nagkaroon ako ng pagkakataon na dumalo sa festival market at talagang hindi ako nakapagpigil na mag siyasat ng iba't ibang lasa at putahe na iniaalok ng mga lokal na tindahan.
Pagdating ng aming grupo sa festival market, agad naming napansin ang makukulay na mga booth na nag-aalok ng sari-saring pagkain. Mula sa mga street food hanggang sa mga gourmet na putahe, tila hindi kami mauubusan ng pagpipilian. Una naming sinubukan ang potato swirl, ang piniritong patatas na may orange na coating. Ang bawat kagat ay malambot at malasa, at pagiging chezzyness talagang nagpapasaya sa bawat kagat.
Hindi rin namin pinalampas ang lechon, na isa sa mga paborito ng mga tao sa festival. Ang malutong na balat at malambot na laman ay talagang nakakaginhawa sa panlasa. Habang kumakain, napansin namin ang mga tao sa paligid na masaya rin sa kanilang mga pagkain. Ang dami ng ngiti at tawanan ay tila nagdadala ng masayang atmospera sa buong lugar.
Isang highlight ng karanasan namin ay ang pagtikim ng fruit shake, isang espesyal na dessert na gawa sa ibat’ ibang mga klase ng prutas. Ang tamis nito ay nagbigay ng tamang balanse sa lahat ng savory dishes na natikman ko. Sa huli, nag enjoy kami at napuno ng masasarap na alaala at bagong karanasan, na hindi lamang tungkol sa pagkain kundi pati na rin sa pakikipag-ugnayan sa mga tao at kultura ng CDO.
Ang Higalaay Festival Market ay talagang isang gastronomic adventure na puno ng saya at lasa. Kung may pagkakataon kayong makapunta sa Cagayan de Oro, siguraduhing huwag palampasin ang festival na ito. Tiyak na mag-enjoy kayo sa masarap na pagkain at sa kakaibang karanasan ng pakikipagkapwa!

Comments
Post a Comment