FLTR Coffee - Maliit na Kapehan sa Kagayan


Usong-uso ngayon sa Cagayan de Oro and kape. Nagsimula ito nung pandemya dahi na bored and mga tao at hindi makalabas ng bahay dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ). Sa pagkaka alam ko, naging parte na talaga ang kape sa buhay ng mga Pilipino simula pa dati. Sa kung anong panahon, hindi ko na tatalakayin. Lahat ng impormasyon tungkol sa kape at ang kanyang origin ay matatagpuan sa Google.

Bilang isang estudyante na may sideline bilang isang photographer at videographer, palagi akong naghahanap ng matatambayan na makakatulong sa aking trabaho at mga assignments. Importante sa akin ang may malakas na Internet connection para magamapanan ko ang mga samut saring responsibilidad.

Napadpad ako sa FLTR Coffee sa Nazareth. Nagustuhan ko ang coffee shop na ito sa kadahilanang malakas ang internet connection, may malinis na palikuran at may mga makakain at ang best part, maganda ang kalidad ng kape na gamit ng may ari - si Hilary Baban. Naging kaibigan ko si Hilary sa pamamagitan ng aking pinsan may anim na taon na din ang nakaraan. Kasabay namin syang naglalaro sa isang trivia contest sa Facebook Watch dati.




Maliit lamang ang kanyang coffee shop. Sa aming pag uusap, nag aral sya sa Davao ng tatlong (3) buwan para maging isang ganap na barista. Kasama sa pag-aaral nya ang mga ibat-ibang paraan ng pag extract ng kape, pag roast, pour over and ang mga temperatura para sa mga paraang ito. Hindi pala basta basta ang proseso na pagdadaanan ng kape at ako naman ay natutuwang malaman ang mga ito. Napag alaman kong dalawang klaseng mga tao ang nag eenjoy sa kape - ang mga gusto nang matapang at mapait na kape at mga kagaya ko na mas gustong matikman ang tamis at malamig na kape. Iba’t ibang henerasyon, kanya kanyang estilo ang gusto.

Sa kanyang coffee shop, meron din syang mga bibentang buong coffee beans mula 500 grams to 1 kilo na robusta and arabica. Meron din syang mixed robusta and arabica.


Masarap sumoporta sa kaibigan lalo nang nakikita ko ang kanyang passion sa pag gawa ng kape, hindi lang basta basta kasi inaral nya pa talaga. Bukod sa hirap ng pagpapatakbo ng sariling negosyo, magbayad ng kanyang mga monthly bills at magpapasweldo ng tao kaya nag offer ako ng libreng photoshoot para sa kanyang marketing materials and menu. Isang aspeto bilang isang freelance photographer na nakakadama ng hirap sa dami kompetensya sa industriya. Aking bersyon ng support lokal. 

Comments

Popular posts from this blog

A Taste of the Philippines: The Harmony of Adobo, Sinigang, and Lechon

The Viewpoint: A Culinary Journey with a View

CDO Food Vloggers: Laag Kagay-an