Wing It! Sold out before 8pm!!


Bilang nakakatandang sa limang magkakapatid, minsan hindi na ako nabibigyan ng allowance ng aking mga magulang bukad sa may maliit akong pinagkakakitaan bilang isang freelance photographer at videographer. Hay, ang hirap maging kuya. Magpapa ubaya ka talaga para sa mga kapatid mo. May mga araw talaga na magke-crave ka ng usong uso ngayon na unlimited wings, pero kulang tayo sa budget. 


Madalas talaga tambayan ko ang mga malls kasi bukod sa convenient at malamig, maraming mga pagpipiliang makakainan. Pag dumaan ka talaga sa ikalawang palapag ng mall na ito, maaamoy mo talaga ang masarap na aroma ng Wing it!. Tyempo namang medyo late na ang aking pananghalian, napag desisyonan kong mananghalian dito at kasya pa naman ang aking natitirang allowance.

Paborito ko talaga sa kanila ang kanilang Garlic parmesan cheese na coating at pinili ko ang magdagdag ng isa pang rice para mabusog. Kakaiba ang kanilang manamis namis at cheesy na timpla. Bukod sa kanilang parmesan, mayroon din silang mga iba pang flavor - Texas Hickory BBQ, Garlic Parmesan, NYC Wild Buffalo. Napagkasya ko naman ang aking pera sa halagang P200 pesos.

Sa oras ng pagbisita ko mga bandang alas dos (2) ng hapon. Hindi pa ganoon kadami ang mga tao. Madalas punuan na sila kapag hapunan na. Madalas din aabutin ka ng isang oras sa paghihintay pag dinner rush. Paalala lamang na hindi gaano kalaki ang kanilang pwesto kaya maghihintay ka minsan ng bakante. Mainam sa mga barkada na hindi naman nagmamadali.

Nagustuhan ko ang kanilang timpla kasi ganito ang prefer ko, hindi maalat at hindi din naman matamis. Sakto lang. Convenient ang lokasyon kasi nasa loob lang ng mall. 





Comments

Popular posts from this blog

A Taste of the Philippines: The Harmony of Adobo, Sinigang, and Lechon

The Viewpoint: A Culinary Journey with a View

Ang Pag-usbong sa Pagkaong Pilipino sa Tibuok Kalibutan